Day 1
Ano ng ba ang nauuna: ang Pagmamahal o ang Pagkilala?
Nagmamahal ba muna tayo bago natin kinikilala ang taong ating minamahal?
Kinikilala ba muna natin ang ating mamahalin?
Mahal ako ng mga magulang ko. Tinataya kong bago pa nila ako nakilala, minahal na nila ako. Ni hindi pa nila alam ang magiging hitsura ko noon, ni kung magiging masama o mabuting tao ako. Ganumpaman, inaruga nila ako, binihisan, pinag-aral at minahal.
Hindi maitatagong may mga taong hindi ko lubos na kilala ngunit mahal ko. Ang ilan sa aking mga guro na nakasalamuha ko sa aking pag-aaral sa mababa at mataas na paaralan ang itinuturing kong mahal ko sapagkat naging bahagi sila ng paglaki ko at pag-inog ng aking pagkatao.
May mga taong hindi natin gaanong kilala pero nasasabi nating mahal natin sila. Ang Papa sa Roma ay hindi natin lubos na kakilala ngunit minamahal natin at nirerespeto. Mahal rin naman natin si Hesus kahit na hindi natin siya nakasama at sa mga libro lamang natin nalaman ang kanyang buhay. Ang Panginoon ay hindi natin masyadong kakilala, ngunit pinaniniwalaan natin siya, minamahal at sinusunod.
Para sa akin, ang katagang Love at first sight ang pinakamababaw na manipestasyon ng teoriyang pagmamahal bago pagkilala.
Sa kabilang banda, marami akong nakilala na minahal ko rin naman sa huli. Ano nga naman ba kasi ang mamahalin mo sa isang tao kung hindi mo siya kilala hindi ba?
Ang aking mga kaibigan ay nakilala ko muna. Tinanggap ko ang kanilang pagkatao - mga kamalian, nakaraan at kakayahan. Tinanggap ko sila ng buo, kung kaya may pinagsasaluhan kaming pagkakaibigan na sa huli'y nagiging pagkaka-ibigang matatawag.
Ganumpaman, may mga tao rin namang hindi ko minahal o mahal kahit kilala ko na sila. Marahil ang pagkakakilala ko sa kanila ang pumigil sa kain na mahalin sila.
Maaaring masabing iba-iba rin naman kasi ang mga kaso ng pagkakakilala at pagmamahal. Iba-iba ang lebel ng pagmamahal at pagkakakilala. Ngunit sa huli, sa paglalagom ng ating pag-usisa sa bagay na ito, isa rin lamang ang hahantungan, ang magiging sintesis o paglalagom ng pagtatalo ng isipan...
Marahil, sabay nangyayari ang pagkilala at pagmamahal. Walang nauuna at walang dapat na maging higit pa sa isa. Sa sandaling maging labis ang pagmamahal kaysa pagkilala, magkakaroon ng pagdududa kung sino ang ating minamahal, kung ano ang minahal o minamahal natin sa taong ito at kung bakit natin siya mahal o minamahal. Sa sandali namang maging labis ang pagkakakilala kaysa pagmamahal, magkakaroon ng pagdududa ukol sa damdaming ating nararamdaman, kung mahal ba talaga natin ang taong ito o nagiging alipin na lamang ng kasanayan sa isa't isa, nagiging routine ang mga bagay na ating ginagawa at nawawalan ng taos-pusong pagbibigay.
Ang katotohanan lamang ang makapagsasabi sa atin kung ang ating pagkakakilala sa isang tao ay tunay at kung ang damdaming ating nararamdaman ay pagmamahal nga.
Tayo'y umiibig sa katotohanan. Ang sandigan ng katotohanan ang pagiging totoo, ang pagiging mapagkumbaba at pagiging bukas sa pagtanggap ng anumang bagay.
Natural lamang sa isang tao na hanapin ang katotohanan, kaya ng siya nagtatanong, naghahanap ng sagot sa katotohanan ng mga bagay sa kanyang paligid.
Totoo bang nandaya si GMA? Kung ito'y totoo, marapat lamang na kumilos tayo ayon sa kung ano ang totoo.
Sa huli, hindi na rin nagiging importante kung totoo ang isang bagay. Paminsan, hinahanap na lamang natin ang kahulugan nito sa tao.
Kung may katotohanan ngang may relasyon halimbawa si Johanne sa kaniyang maid, hindi na natin dapat bigyang pansin kung totoo ito. Bibigyang pansin na lamang natin kung ano ang magandang naidudulot ng relasyon nila sa isa't isa. May katuturan nga ba ito?
Ngunit, sa huli, hindi na rin dapat importante kung ano ang totoo at kung ano ang kahulugan nito...ang pagkatao ng tao ang dapat bigyang pansin.
---
Isang nakatutuwang karanasan ang mabuksan ang isipan sa pilosopiya, isang pagmamahal na nagbabago.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home