Saturday, July 23, 2005

tigil muna

Maraming beses na akong nainis dahil wala lang ang nangyayari. Pero ngayon, wala lang ulit.

Malabo.

Nakatatamad nang magsulat. Stress reliever siya, pero may mga bagay na hindi kayang sabihin.

Sabi sa Philo 101 class, you have to say it. Dapat bigkasin ang mga bagay sapagkat sa pagbigkas mo, mabubuo ang isa.

Hindi buo ang pagka- ng isang bagay kung hindi mo ito sasabihin.

Kung kaya naman ngayon, naiisip ko...na hindi ko malaman kung ano ba itong nararamdaman ko -- galit, ngitngit, inis, kaba, tako ba ito? -- dahil hindi ko mabigkas...o marahil, wala kasi akong oras upang mapagisipan ito. Kumbaga, paminsan minsan lamang ako nagkakaroon ng pagkakataon na magmasid, tumigil at makiramdam sa nangyayari sa akin.

Siguro kasi iniintindi ko na lang lagi ang iba.

Sunday, July 17, 2005

Sagot sa the one

Tungkol pa rin sa "the one," paano mo malalaman na siya na nga
talaga? Tama si Jem at Angelica, kelangan mong maging mapagmasid at
alisto sa pagtingin sa mga signus ng damdamin, ng taong
minamahal/mamahalin, ng paligid, at ng isip. Kailangan ng isang
matinding "discernment" o pagkilatis ukol dito. Hindi ko na muna pag-
uusapan ang tungkol sa pagkakamali sa pagkilatis, sadyang "hopeless
romantic" ata ako...

...seriously, dito na nga pumapasok ang pagkilos mo para ipunin at
gawing "the one" talaga ang taong ito para sa iyo. HIndi perpekto
ang tao, hindi rin tayo perpekto. Subalit sa ating pagsisikap na
magmahal at maging totoo sa tawag nito, ginagawa nating "the one" ang
iba sa atin.

Dalawang pagkilos:
1. Paghihintay. Paghahanap. Pagbabaka-sakali. Paglundag. Pagtataya.
2. Pagsisikap. Pagtitiyaga. Pakikipag-usap. Pagtatalik (oo, kasali
ito!). Pagtataya (pa rin!).

Yung "the one" ngayon na kasintahan o asawa mo... siya na dapat.
Pagsikapang maging siya na nga. Isa lang dapat siya. Paano naging
siya yung isa? Kasi nagsalubungan ang lahat at tinulak kayo sa isa't
isa. Nino? --ng Diyos? ng panahon? ng pagkakataon? Kung sino o
anuman ang nagtulak sa inyo, ang importante, kayo na sa isa't isa.
The one. May nagtakda ba na maging kayo para sa isa't isa? Hindi
natin alam. Ang sigurado lang natin na mayroong isa para sa 'yo.
Kumbaga, may katapat ka, lagi!

Pag-uusapan pa natin ito sa klase balang araw.

Wednesday, July 13, 2005

sagutan

marsh marlo! Pasingit lang sa tanong mo. diba napagusapan na natin noon na ang pagkilala & pagmamahal ay sabay dapat? Baka ganun rin dito. Hindi natin malalaman na siya na nga ang the one kung hindi natin dadanasin. Dapat maging sensitibo tayo sa kung anong sinasabi ng logos dahil magkakamali talaga tayo. Nagbabago ang panahon, ang uri ng pagdanas at dadami ang karanasan natin..pero ang LOGOS ay mananatili. Ibig sabihin, akalain mo mang siya na nga ang the one, darating ka rin sa point na malalaman mong hindi siya, dahil makikita mo yun in one way or another. In the end, kung hindi mo naman nalaman na siya nga yung one for you talaga pero nadama mo..pero hindi mo naman nalaman na hindi nga siya..ok lang. Di ba nga, "what you don't know won't hurt you" Kaya ikaw lang ang makapagsasabi kung siya nga. Malalaman mo lang iyon kapag nariyan na. Walang paraan para makasiguro sa mundo, kasi kung sigurista tayo, hindi na tayo daranas, hindi na natin lulundagin!

marlo reyes wrote: sir, pakilinaw ng kaunti sa sinabi nyong the one for
you sa klase. may binanggit kayo na parang gagawin
mong "the one" ang isang tao at aalagaan para
manatiling "the one". ito rin ay mababase natin sa
paniniwalang yin at yang na mayroon ngang "the one"
para sa atin. tama po ba? ang tanong ko lamang po dyan
ay kelan mo masasabi na ang taong iyon na dinaranas mo
ngayon ay "the one" nga bago mo sya alagaan at
pag-ingatan. tao tayo, maaaaring magkamali ang ating
desisyon na gawin syang "the one" upang alagaan at
pag-ingatan... pasensya na po, ngayon ko lamang po
naisip yan.. hehe

Sunday, July 10, 2005

Meron ba talagang "the one" para sa atin o gumagawa lang tayo ng "the one"?

Bagay talaga kayo ni ganito…bagay talaga kayo ni ganyan -- iyan ang karaniwan mong maririnig sa magkakaibigan. May iba, hindi payag sa mga mungkahi ng kaibigan. Hindi kasi nila maisip ang sarili nila kasama ang isang tao. Paminsan rin naman kasi, lokohan lamang iyon, ngunit madalas, may basehan naman kung bakit bagay kayo. May dahilan kung bakit sinasabing “Siya ang para sa iyo” -- dahil parehas kayo…dahil magkatugma kayo..dahil parehas kayo ng hilig…etc. Ngunit sa huli, sasabihin mo pa rin, “Hindi siya ang para sa akin. Iba ang gusto ko” --- Sagot ng mga nasa fixed marriage dahil hindi nila makita ang pagkakatugma nitong tinaguriang the one para sa kanila.

Madalas tayo mag-isip kung ano nga ba ang ideyal na lalake/babae. Madalas, napag-uusapan natin ang mga katangiang: tall, dark and handsome o chinitang payat at maputi, boy next door, girl next door, angas, cute, paminsan exotic at iba pang katagang steryotipikal na naglalayong sumahin o kahunin ang pagkatao ng ilan. Iba-iba tayo ng tipo. At hindi natin namamalayan na tayo mismo'y nakikibahagi sa kampanya para sa pagpapalaganap ng mga ganitong pag-iisip. Sa media, laganap ang mga ganito at sa pagsang-ayon o panonood lamang sa mga ito may nabubuo na panigurado sa ating subconscious na mga steryotipo. Kung may makilala kang isang kahanga-hangang babae/lalake halimbawa, at may mga katangian siyang taglay na nasa criteria mo, iniisip na natin kaagad na, "Oh, He/She is perfect. Siya na yata ang hinihintay ko.” At sa sandaling mangyari ito, nagkaroon na ng pagkabara dahil nakulong ka na sa pag-iisip na siya na nga. Sa pag-aakalang siya na nga, gagawin mo ang lahat -- kakaibiganin siya, aamuin, magpapakilala, at ang listahan ay hahaba pa…Sa huli, maaaring makulog ang loob niya sa iyo..maaari ring hindi. Maaaring sagutin ka niya. Kay dali lamang naman pumasok sa isang relasyon kung parehas ninyong gusto ang isa’t isa at magki-click naman kayo. Subalit hinding hindi mo masisigurado na siya ang ang para sa iyo. Kahit na ba kay tagal niyo nang nagsama.

Kadalasan kasi, tayo na rin ang gumagawa ng para sa atin marahil dahil sa 1. ayaw natin maghintay at inip na tayo o pagod na, 2. akala natin iyon na nga, 3. nagpapadala tayo sa emosyon na bumabalot sa ating isipan kung kaya hindi natin mahusgahan ang tunay na nararamdaman at nakikita. Akala mo iyon na, napagkamalanBilang resulta, naririyan ang mga taong nagiging manang, nasasaktan nang nasasaktan na para bang hindi natutututo at mga taong durog na durog na ang puso sa pagpapabaya. Bigay lamang sila nang bigay hanggang sa wala nang matira sa kanilang sarili. Iyan ang kaso ng mga infatuated - akala nila yun na, hindi pa pala. False Alarm.

Talagang mayroong isa para sa atin. Hindi tayo ang gumagawa nito. Paminsan tayo rin naman ang gumagawa ng isa para sa atin. Sa parehas na kalagayan, tayo pa rin ang pumili..ngunit sa pagtatalo ng dalawang magkasalungat na ideyang ito, may nakaliligtaan tayo bagay na tunay na may kinalaman sa dalawang ito -- ang bukas at malayang pag-iisip. Ang bukas at malayang pag-iisip ay pagkalas sa mga steryotipong kumakahon sa atin na pumipigil sa atin para makakita ng tunay at totoong pag-ibig--sa tunay na para sa atin. Kung iisipin mo kasi, ang pagkakaroon ng maaari sa bawat desisyon o pagpili ay nangangailangan ng bukas at malayang pag-iisip.

Kakatapos ko lang manuod ng Qpids. Napansin ko na pinili-pili ng mga manunuod at ng Love Council kung sino ang para sa isa't isa pero binibigyan rin sila (ang mga love pairs) ng pagkakataon na gawing the one ang ka-pares nila.

Kung mayroon ngang para sa atin, ngunit para sa atin, hindi siya ang para sa atin. Walang kwenta.
Kung gumagawa tayo ng para sa atin ngunit hindi pala siya para sa atin. Wala ring kwenta.
Sa dalawang kalagayan, tayo ang makakawawa, puso natin ang madudurog kung ipagpipilitan.
Minsan, sa ating buhay hindi pwedeng black or white lang. Minsan dapat may grey rin.
Merong isang taong pareho: ang talagang para sa atin na ginagawa rin nating para sa atin.

Kinakailangan ng bukas at malayang pag-iisip upang tumanggap sa maaaring para sa atin at magagawa nating para sa atin.

Nagkakaroon lamang ng ganitong dilemma o hidwaan marahil, dahil sa likas na katangian ng tao na maghanap ng pagmamahal o magmahal -- arugain o mag-aruga. Tunay nga naman kasing nakababagot at nakapanghihina ng loob ang paghahanap sa the one.

Kung kaya naman hindi biro ang pag-ibig. At kung nahanap mo na nga siya -- siyang siya na talagang talaga na the one for you (at tingin niya’y ikaw rin ay para sa kanya), hindi mo na dapat ito palampasin pa.Huwag natin isara ang mga pinto natin sa sino mang nais pumasok. (pero wag naman yung parang carinderia na bukas sa lahat ng gustong kumain..hehehe) Napakaikli ng panahon para sayangin. Danasin natin dapat. Dapat lundagin mo beybe.

Thursday, July 07, 2005

isip isip

Sir, question...

Ang pagsulat po ba sa sagot sa quiz, parang pagsagot sa reflection paper na kailangan (choose one)
a. insight and all that jazz?
b. obhetibo lang. kunin ang sagot sa mga natalakay
c. secret!
d. bahala kami
e. _______(fill in the blank..hehehe)

------
anyway...natunaw ang utak ko(maybe literally and figuratively)sa kakaisip sa ballpen...to the point na inisip ko pa na ang pagtubo ng ballpen ay ibang klase.

Sabi mo kasi sir....tumingin sa ballpen..nakita ko yung brand.

tubo = profit

hehehehe..pilosopo.
pwede naman diba sir? tumutubo ang ballpen..kapag maraming bumibili...malakas ung brand, malaki tubo kapag mura ang cost..hahaha..joke lang.

eto seryoso na...
------
Tanong ko lang sir...yung sa konsepto ng "isa-buo-hindi" related ba un sa "the whole is not the sum of its parts?" Sorry kung nababalik tayo sa paguusap tungkol rito. Kasi parang, sa pagsasabi nito, naipapahiwatig na ang kabuoan, pagiging isa -- sa kabilang banda ay hindi ang pagsasama-sama lang ng bawat parte, kundi bawat parte ay isa rin, buo....ang labo ko mag-explain..to make it short...related ba un dun o hindi?
------
Sa tanong na, "paano naging isa ang bolpen.."

sa tingin ko may katangian ang bawat bolpen na parepareho - nagagamit na panulat...ngunit iba pagdating sa hugis, kung saan gawa, kung saan nabili, kung ano ang brand. pareho-ngunit-iba ang mga balpen.

kung pupunta ka sa National bookstore, alam mo na sa isang parte, may hilera na puno lamang ng balpen. Bakit sila naroroon? Dahil pare-pareho lang silang balpen.

Pero kung pare-pareho lang silang bolpen, bakit ka pa pipili?

May "friend" akong bumili ng ballpen na Cross sa Germany. 1,700php ang halaga nito rito sa Pilipinas. Bakit yun ang pinili niya? Bakit yun ang ginusto niya?

Minsan, nagpunta kami ni Em sa National para bumili ng bolpen, sabi niya, "Bakit Gel pen ang gusto mo?" (Natawa ako kasi may crush ako noong sounds like ang pangalan) Pero kung iisipin mo (syempre namilosopiya bigla e noh!) Gel pen ang gusto ko sa lahat ng bolpen doon dahil iba ito, iba ang sulat ng gel pen sa ballpoint pen.

May hidwaan nabubuo sa iba't ibang klase ng bolpen ngunit, napag-iisa ang hidwaan dahil alam natin na bolpen pa rin sila.

Isa lamang ang bolpen na hawak mo, at may sarili itong logos, ang logos na nagsasabing bolpen ito. At ginagamit mo rin itong bolpen. Ang bolpen lamang, isa laman siyang, may logos na siya ay bolpen. Hindi pwedeng maging bolpen ang lapis. Ngunit nagiging marami ang isa dahil maraming nakapagbigay pagkabolpen sa bolpen. hihihi

--
Naisip ko lang...
Sa ES concepts, may tinatawag na Principle of Emergent Property. Sinasabi rito na ang pagsasama-sama ng dalawa o higit pang bagay ay nakabubuo ng isa pang bagay na hindi lamang bunga ng pagsasama ng dalawa kundi nagkakaroon ng isang katangian na likas lamang sa bagay na ito.

Halimbawa...yung lichens(isang organism) ay combinasyon ng algae at fungi. Hindi ibig sabihin na matutukoy mo ang algae at fungi pagtinitigan mo, isang lichen ang makikita mo, hindi algae & fungi. kung naaalala nyo pa yung ES 10 ninyo, may mutualism na nangyayari. Nagiinteract ang dalawa ngunit, nakabubuo ng bagong organism, ang lichen. nakukuha ng lichen ang katangian ng algae sa pagiging photosynthetic nito & ang fungi naman ang nagaatach sa mga trees. Kung maglalakad kayo sa ateneo, yun ung mga parang greenish white na spots sa trees. Indicators un ng good air quality Ang nerd. Pero ang punto ko lang, sa konseptong iyon naipapakita na...May konsepto ng isa-ngunit marami. Nagiging kasangkapan ang marami upang maging isa.

Oops...pasensya na, napabahaba.