Wednesday, October 12, 2005

isip isip

wala pa ring orals

Saturday, October 08, 2005

blanko

walang maisip

Saturday, September 17, 2005

ouwchie

Ang pinakamasakit sa lahat ay ang pag-iyak nang walang tunog. Mahirap itago ang sakit ng damdamin, lalung-lalo na ang pagtatago ng pag-iyak.

Tuesday, August 09, 2005

masaya ka na ba?

Kung tatanungin mo siguro ako ngayon kung masaya ako, siguro ang isasagot ko sa'yo, OO. Masaya.

Paminsan nga kapag matutulog ako sa gabi, parang pakiramdam ko nakalunok ako ng hanger. Hindi ko maitago ang ngiti ko. Kapag binabalikan ko ang mga nangyayari.

Pero ano nga ba ang nangyayari? Sa totoo lang, hindi naman nangyayari kung ANO ang gusto ko e. Nangyayari na lang sila bigla, nang hindi ko ginagawan ng paraan. Basta ganun na lang.

Pero ang nakalulungkot dito, sa bawat sandali halimbawa na makasama ko ang isang taong gusto kong makasama, hindi ako nakasisiguro kung ano nga ba ang ibigsabihin ng lahat. Kung bakit nangyayari ang mga ito. Hindi ko rin naman kasi tinatanong. Pero bakit ko naman itatanong diba? Siguro dahil gusto kong malaman. Pero bakit ko gusto malaman? Kasi naguguluhan ako. At ang tanging kailangan ko ay makasiguro na hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mahulog sa bitag ng pag-aakalang mayroon ang wala naman.

Oo, masaya ako. Pero tila panandalian lamang itong pakiramdam. Kung ngayon mukhang tuwang-tuwa ako, baka bukas hindi na. Kaya dapat siguro, damhin ko na itong ito na talagang talaga.

Masaya na siguro ako. Pero hindi pa maligaya - isang bagay na pangmatagalan. Pero paano kung wala naman talagang sigurado sa mundo? Kailan ko makikita o mararanasan ang kaligayahan? kailan pa?

Saturday, July 23, 2005

tigil muna

Maraming beses na akong nainis dahil wala lang ang nangyayari. Pero ngayon, wala lang ulit.

Malabo.

Nakatatamad nang magsulat. Stress reliever siya, pero may mga bagay na hindi kayang sabihin.

Sabi sa Philo 101 class, you have to say it. Dapat bigkasin ang mga bagay sapagkat sa pagbigkas mo, mabubuo ang isa.

Hindi buo ang pagka- ng isang bagay kung hindi mo ito sasabihin.

Kung kaya naman ngayon, naiisip ko...na hindi ko malaman kung ano ba itong nararamdaman ko -- galit, ngitngit, inis, kaba, tako ba ito? -- dahil hindi ko mabigkas...o marahil, wala kasi akong oras upang mapagisipan ito. Kumbaga, paminsan minsan lamang ako nagkakaroon ng pagkakataon na magmasid, tumigil at makiramdam sa nangyayari sa akin.

Siguro kasi iniintindi ko na lang lagi ang iba.

Sunday, July 17, 2005

Sagot sa the one

Tungkol pa rin sa "the one," paano mo malalaman na siya na nga
talaga? Tama si Jem at Angelica, kelangan mong maging mapagmasid at
alisto sa pagtingin sa mga signus ng damdamin, ng taong
minamahal/mamahalin, ng paligid, at ng isip. Kailangan ng isang
matinding "discernment" o pagkilatis ukol dito. Hindi ko na muna pag-
uusapan ang tungkol sa pagkakamali sa pagkilatis, sadyang "hopeless
romantic" ata ako...

...seriously, dito na nga pumapasok ang pagkilos mo para ipunin at
gawing "the one" talaga ang taong ito para sa iyo. HIndi perpekto
ang tao, hindi rin tayo perpekto. Subalit sa ating pagsisikap na
magmahal at maging totoo sa tawag nito, ginagawa nating "the one" ang
iba sa atin.

Dalawang pagkilos:
1. Paghihintay. Paghahanap. Pagbabaka-sakali. Paglundag. Pagtataya.
2. Pagsisikap. Pagtitiyaga. Pakikipag-usap. Pagtatalik (oo, kasali
ito!). Pagtataya (pa rin!).

Yung "the one" ngayon na kasintahan o asawa mo... siya na dapat.
Pagsikapang maging siya na nga. Isa lang dapat siya. Paano naging
siya yung isa? Kasi nagsalubungan ang lahat at tinulak kayo sa isa't
isa. Nino? --ng Diyos? ng panahon? ng pagkakataon? Kung sino o
anuman ang nagtulak sa inyo, ang importante, kayo na sa isa't isa.
The one. May nagtakda ba na maging kayo para sa isa't isa? Hindi
natin alam. Ang sigurado lang natin na mayroong isa para sa 'yo.
Kumbaga, may katapat ka, lagi!

Pag-uusapan pa natin ito sa klase balang araw.

Wednesday, July 13, 2005

sagutan

marsh marlo! Pasingit lang sa tanong mo. diba napagusapan na natin noon na ang pagkilala & pagmamahal ay sabay dapat? Baka ganun rin dito. Hindi natin malalaman na siya na nga ang the one kung hindi natin dadanasin. Dapat maging sensitibo tayo sa kung anong sinasabi ng logos dahil magkakamali talaga tayo. Nagbabago ang panahon, ang uri ng pagdanas at dadami ang karanasan natin..pero ang LOGOS ay mananatili. Ibig sabihin, akalain mo mang siya na nga ang the one, darating ka rin sa point na malalaman mong hindi siya, dahil makikita mo yun in one way or another. In the end, kung hindi mo naman nalaman na siya nga yung one for you talaga pero nadama mo..pero hindi mo naman nalaman na hindi nga siya..ok lang. Di ba nga, "what you don't know won't hurt you" Kaya ikaw lang ang makapagsasabi kung siya nga. Malalaman mo lang iyon kapag nariyan na. Walang paraan para makasiguro sa mundo, kasi kung sigurista tayo, hindi na tayo daranas, hindi na natin lulundagin!

marlo reyes wrote: sir, pakilinaw ng kaunti sa sinabi nyong the one for
you sa klase. may binanggit kayo na parang gagawin
mong "the one" ang isang tao at aalagaan para
manatiling "the one". ito rin ay mababase natin sa
paniniwalang yin at yang na mayroon ngang "the one"
para sa atin. tama po ba? ang tanong ko lamang po dyan
ay kelan mo masasabi na ang taong iyon na dinaranas mo
ngayon ay "the one" nga bago mo sya alagaan at
pag-ingatan. tao tayo, maaaaring magkamali ang ating
desisyon na gawin syang "the one" upang alagaan at
pag-ingatan... pasensya na po, ngayon ko lamang po
naisip yan.. hehe